Huwebes, Oktubre 17, 2019

PEN IS MIGHTIER THAN PENCIL

 

Kung ikaw ang tatanungin, ano mas gugustuhin mo, ang maging isang lapis o ballpen?

Resulta ng larawan para sa pencil with ballpen

Naaalala ko pa noong mga panahong nag u- umpisa pa lamang akong mag- sulat, lapis pa lang ang gamit namin noon. Dahil nagsisimula pa lamang naman akong mag- aral kung kaya't natural na lapis ang gagamitin. Alam nyo kung bakit?


Resulta ng larawan para sa pencil

Kung napapansin ninyo ay may pambura sa bahaging itaas ng lapis. Iyon ay dahil malimit tayong magkaroon ng mali kapag nag u- umpisa pa lamang sa pag- aaral. At ang mga maling iyon ay daglian na lamang nating mabubura upang muling sulatan ng nararapat.

Resulta ng larawan para sa ballpen


 

 Sa panahon ngayon, ballpen ang mas kinahihiligan ng mga batang gamitin dahil bukod na mas matinta ito kumpara sa lapis.



Ang lapis at ballpen ay maaaring ihalintulad sa buhay ng isang tao.

Ang lapis ang sumisimbulo sa tao. At ang ballpen ay sumisimbulo sa buhay. Ang lahat ng bagay na naisulat ni ballpen ay hindi na maaari pang burahin, at hindi na rin basta- basta maitatama. Pero pwede niyang isulat muli ang magandang buhay na nais ni lapis mangyari sa kanyang kasalukuyan. Si lapis ang taong bumubuo ng lahat. Dahil sya ang kumakatawan sa tao, ang mga naisip nyang hindi ayon ay pwede niyang burahin at itama.


Resulta ng larawan para sa pencilMinsan naisip ko... kung kasing dali lang ni lapis ang buhay at pwede niya itong burahin para bawiin ang maling pagkakamali, mas pipiliin ko kayang maging isang lapis?

Resulta ng larawan para sa ballpen

O si ballpen na lahat ng bagay na naisulat, maging tama man ito o mali ay hindi na maaari pang baguhin?



 

Sa tingin ko ay marami ang pipili ng lapis, tulad mo.  

Resulta ng larawan para sa pencil clip art

Dahil maraming tao ang nais na burahin ang mga pangit at mapapait na parte na nangyari sa buhay nila.


Pero kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko ang maging isang ballpen. 

 Kaugnay na larawan

Bakit? 

Dahil kahit ilang libong beses ko man isulat ang aking buhay na maraming mali, ay pwede ko naman itong isulat muli. Isusulat ko ito sa tamang paraan. Sapagkat, ayokong mawala at mabago ang aking kasalukuyan o nakaraan. Dahil sa aking bawat pagkakamali, ay may aral akong natututunan.


Alam nyo kapag nagkakamali ako, iniisip ko kung ano pa ang dapat kong matutuhan dito upang maging mas mabuting tao ako, at kung ano ang gagawin ko 'pag napaharap muli ako sa gano'ng sitwasyon. Mas ayos kasi iyong dahil natututo ka.



AT AKO LANG ANG MAKAKAPAGPABAGO SA BUHAY KO. DAHIL WALANG IBANG MAKAKAGAWA NITO BUKOD SA AKIN.

GATAS AT TSOKOLATE


Resulta ng larawan para sa Gatas at chocolate

Ang 'gatas at tsokolate' ang dalawang bagay na akin iniinom at kinakain sa tuwing ako ay nagre- review. Sa palagay ko kasi, sa tuwing ako'y iinom at kakain nito ay para bang mas madali kong nauunawaan ang aking inaaral. Pampa- hyper raw kasi ng utak yung tsokolate.


Resulta ng larawan para sa drinking milk clipart black and whiteResulta ng larawan para sa eating chocolates clipart

Sabi rin kasi nila, kumain ka raw ng gatas at tsokolate upang tumalino ka at upang maalala mo ang iyong mga napag- aralan. Pwede rin yung mani, actually mas effective daw talaga iyon. Pero dahil nagkaka- tighiyawat ako tuwing kumakain nuon ay sa gatas at kape na lang ako.


Gayunpaman, wala namang masama kung maniniwala ka sa mga kasabihan gaya nyan diba? At sa tingin ko ay effective rin naman ang ginagawa kong pag- inom at pagkain ng gatas at tsokolate. Pa'no ko nasabe? Napapasa ko kasi exam namin HAHAHAHAHA, take note guys... hindi ako nangongopya! Hindi ako marunong mangopya, mas okay nang bumagsak ako kaysa naman sa makapasa ako dahil lang sa pangongopya. Tama deva???

SANA ALLLL! SANA ALWAYSSS!!! HEHEHEHE!!!

Ay isa pa pala, hindi naman sa pagmamayabang guys ah, pero magmamayabang na rin. Minsan lang naman e, pagbigyan nyo na. Line of 4 kasi ako sa General Mathematics!!! Actually marami kame, we have unity in education kase HAHAHAHAHA charot lang.

Kaugnay na larawan

Ahm, so ayon. Effective talaga pag- inom ng gatas at pagkain ng tsokolate, try nyo HAHAHAHA. Taray parang endorser lang ang peg ko dito ah. 

Ayan, SHARE KO LANG ULIT YAN GUYS! PAALAM!

A FLOWER BLOSSOMS FOR ITS OWN JOY.

 

Ang mga bulaklak ang isa sa mga patunay kung gaano kagaling na manlilikha ang Diyos at isa ito sa nagpapaganda ng mundo.


Resulta ng larawan para sa Magandang bulaklak


Maihahalintulad ito sa buhay ng tao. 

Dahil gaya ng bulaklak, bawat isang indibidwal ay may panahon ng pag tubo- bilang panimula. 


Resulta ng larawan para sa flower wallpaper 

 

Pamumulaklak-

kung saan nakikita ang ganda nito. 




Resulta ng larawan para sa flower dying

Paglanta- 

          kung saan natatapos ang lahat.





 

 

Tulad din ng bulaklak, bawat isa sa atin ay may kanya- kanyang ganda.

 Resulta ng larawan para sa pag- usbong ng bulaklak 

Hindi man nagkakasabay ng pag- usbong, tayo ay may kanya- kanyang halaga.

Resulta ng larawan para sa paglago ng bulaklak

Maaaring iba- iba ang takbo ng proseso . Ngunit, habang nasa proseso tayo ng paglago, gaya ng isang bulaklak, gawin nating maganda at makabuluhan ang pagtingin sa atin ng mundo.

 

 

'This life of ours... human is like a flower glorioulsy blooming in a meadow: along comes a goat, eats it up- no more flower.'

- Anton Chekhov -

FOR KEEPS!

Nais ko lamang i- share kung anong samahan ang mayroon saming magka- kaibigan.


 BARKADA- pitong letra, samahan ng mga loko- loko at luka- luka


Sobrang saya nilang kasama, yung tipong kahit may problema ay nakukuha mo pa ring tumawa. Dahil papatawanin at papatawanin ka talaga nila hanggang sa makalimutan mo na mayroon kang problema na dinadala. 

Sabi nila, mamili ka ng pakikisamahan mo, pero sa totoo lang ay hindi mo na kailangang mamili dahil ang tadhana ang kusang maglalapit sayo.
Sa aming magba- barkada, mayroong matalino, mayroon ding killjoy.


Mayroon ding fashionista na akala mo laging may lakad. Meron ding study first or study hard daw. Mga vaklang toh! Hard lang, walang study, nakakaloka kayo!

The rest puro mga siraulo na. Para nga daw kaming takas mental pag nagsasama- sama. Dun sila nagkaka- mali, takas mental na talaga kami, wala nang parang- parang anubakayo?! HAHAHAHHAHA




Umaabot rin sa punto na may maiinggit sa amin dahil lagi kaming masaya, pake kaya nila hano? Edi magsaya rin sila, basiccc HAHAHAHAHHAAH JOKE!

Hayy! Iba talaga ang saya kapag may tunay kang barkada. Actually, mayroon kaming kasabihan...


Kaugnay na larawan

"HINDI SA TAGAL NG PANAHON ANG SUKATAN NG PAGSASAMAHAN NG MAGKA- KAIBIGAN. AT LAGING TANDAAN NA ANG BARKADA, KAPATID NATIN 'YAN. SILA ANG TOTOO NATING NAKAKASAMA AT ANG ATING IKALAWANG PAMILYA."



At iyan ang kwento ng aming samahang magka- kaibigan.
 SHARE LANG NAMIN GUYS! PAALAM!